Connect with us

Aklan News

SALPUKAN NG TRAYSIKEL AT MOTOR, ISA PATAY

Published

on

Image|MDRRMO Kalibo

Kalibo — Isa ang patay sa banggaan ng traysikel at motorsiklo pasado alas 7:00 kagabi sa highway ng Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang biktimang binawian ng buhay na si Gerelyn De Pedro, 52 anyos ng Purok 4, C. Laserna St., Poblacion, Kalibo, habang sugatan din ang asawa nitong si Lineo De Pedro, 53 anyos, at ang driver ng nakabanggaan nilang motorsiklo na si Angelou Yamog, 20 anyos ng San Ramon, Malinao.


Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagmomotorsiklo sa highway ng Tigayon galing Banga papuntang Poblacion, Kalibo si Yamog, subalit lumiko umano ito ng alanganin pakaliwa papuntang Tigayon Hill, rason na nakabanggaan nito ang nasabing traysikel.

Resulta, sugatan lahat ang mga biktima na kaagad ding dinala sa ospital, subalit binawian ng buhay si Gerelyn bandang alas 11:00 kagabi habang ginagamot sa ICU.

Samantala, naka hospital arrest naman ngayon si Yamog habang hinihintay pa ng Kalibo PNP ang desisyon ng pamilya ng mag-asawang biktima sa nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *