Connect with us

Aklan News

Roxas City PNP pinuri sa City Council sa pagkaaresto ng 2 big-time drug pusher

Published

on

Pinuri sa City Council ang Roxas City Police Station dahil sa kanilang pagkaaresto sa dalawang big-time drug pusher nitong Oktobre 18 sa Pueblo de Panay.

Isang resolusyon ang ipinasa ni Konsehal Garry Potato para bigyan ng komendasyon ang Roxas City PNP sa pangungunga ng kanilang hepe na si PLtCol. Ricardo Jumuad Jr.


Saad ng konsehal, isang “malaking isda” ang nalambat ng kapulisan kung saan nasabat nila ang kalahating milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu.

Ang mga nasabing suspek na sina Raymund Galicto, 46-anyos ng Sitio Nasagud, Brgy. Lanot, Roxas City at John Michael Labesora, 18 ng Brgy. Tanque, Roxas City ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Samantala, hinikayat naman ni Konsehal Gonzaga ang kanyang mga kasama sa konseho na madagdagan ang budget ng kapulisan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *