Categories: Aklan News

RODSON MAYOR, KAKANDIDATONG GOBERNADOR SA 2022

NAGDEKLARA na ng kandidatura bilang gobernador ng Aklan si former board member Rodson Mayor.

Sa panayam ng Radyo TODO kay Mayor, ipinahayag nito ang kanyang balak na tumakbo sa susunod na eleksyon.

Pero ayon sa kanya, handa siya na magparaya kung nanaisin ni Aklan 2nd district representative Teodorico Haresco na tumakbo sa naturang posisyon.

“Maski sino ang kandidato indi lang si Haresco, kay nakita ko ang nahimo ni Haresco”, ito ay dahil nakitaan niya umano si Haresco ng kapasidad sa pamamahala.

“I do not care kun sino ang kontra ko, Marquez o Joen, maayo bastsa indi lang si Haresco.”

Inihayag rin nito ang balak na kunin si Mayor James Solanoy ng Nabas bilang kanyang bise gobernador at tiwala ito na papayag si Solanoy dahil wala naman aniyang lugar ito kay Joeben.

Pagdating sa budget, sinabi niya na ang igagastos niya lang ay base sa kung ano ang nakaayon sa batas, tiwala ito na hindi mabibili ng pera ang mga Aklanon.

Share
Mary Ann Solis

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo/Todo Magazine Years/background in Media works: 5 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

1 day ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

1 day ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

1 day ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

4 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

6 days ago