Connect with us

Aklan News

“Ro manakaw ngara hay may posibilidad nga iya mismo sa among barangay Bacan” – punong barangay Robelo sa serye ng nakawan sa kanilang lugar

Published

on

By

NANINIWALA si punong barangay Allen Robelo na ang suspek sa mga insidente ng nakawan sa kanilang barangay ay mismong taga-barangay Bacan, Banga.

“Sa akon nga pag-analisar, ro manakaw ngara hay may posibilidad nga iya mismo sa among barangay Bacan,” pahayag nito.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Robelo, sinabi nito na nakatakda siyang makipag-ugnayan sa Banga PNP at lokal na pamahalaan upang maaksyunan ang nasabing insidente.

Inihayag ni Robelo na ang unang reklamo kanyang natanggap ay tungkol sa pagnanakaw ng gasoline sa mga naka-park na motor sa kanilang barangay.

Maliban dito, nakarating din sa kanyang kaalaman ang tungkol sa nangyaring nakawan sa Bacan Elementary School at Bacan National High School.

Kung titingnan umano ang mga naturang insidente, malaki ang posibilidad na residente lamang din ng kanilang barangay ang mga salarin.

Maaaring kabisado na ng mga ito ang lugar kung kaya’t napasok at nalusutan ng mga suspek ang CCTV sa nasabing paaralan.

Dahil dito, nais ni Robelo na ipaabot na ito sa kaukulanga ahensiya ng pamahalaan upang madakip na kung sino ang nasa likod nito.

Nanawagan naman si kapitan sa kanyang nasasakupan na maging maingat at mapagmatyag at kaagad na ipaabot sa kanilang tanggapan ang anumang insidente nangyayari sa kanilang barangay.