Connect with us

Aklan News

RIDER, PATAY SA AKSIDENTENG BANGGAAN NG MOTOR VS BUS

Published

on

Patay ang isang rider ng motorsiklo matapos makabanggan ang isang bus alas 5:40 kahapon sa highway Mabilo, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Ramon Valencia, 59 anyos ng Polo, New Washington, habang nakilala naman ang driver ng Hino Ceres Bus na si Raniel Dela Vega, 43 anyos ng Aranas, Balete.


Todo Media Magazine

Base sa imbistigasyon ng pulis, galing sa direksyon ng Poblacion, Kalibo si Valencia nang makabanggaan ang kasalubong na bus.
Sanhi nito, wasak ang kaliwang unahan ng bus, at basag ang kaliwang bahagi ng windshield nito, habang wasak din ang unahang bahagi ng motorsiklo.

Sanhi nito, nagtamo ng pinsala sa katawan si Valencia na kaagad naman sanang naisugod sa pagamutan, subalit hindi na umabot ng buhay.

Samantala, kasalukuyan namang nasa kostodiya ng Kalibo PNP Station ang driver ng bus na tumangging magsalita nang kunan ng pahayag ng Radyo Todo hinggil sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.