Connect with us

Aklan News

Rider ng motorsiklo, sumemplang nang mabangga ng van

Published

on

By

PHOTO: MDRRMO Numancia

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos mabangga ng van sa kahabaan ng national highway ng Poblacion, Numancia.

Kinilala ang biktimang si JP Palmon, 38 anyos, residente ng Brgy. Dumga, Makato.

Ayon sa report, kapwa galing sa direksyon ng Makato ang motor at van na minamaneho ni Benny Mondejar ng Pook, Kalibo.

Sinasabing nagpagitna ang motor mula sa outer lane kaya nabangga ng van ang likurang bahagi nito.

Dahil dito, nagtamo ng gasgas at mga sugat ang biktima na binigyan ng first aid ng MDRRMO Numancia bago dinala sa pagamutan.