Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, SUGATAN MATAPOS SUMALPOK SA PADER

Published

on

Isinugod sa ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos maaksidente at masugatan bandang alas 6:00 kaninang umaga sa Calachuchi Extension., Andagao, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si John Rivesinte Raymundo, sa legal na edad at residente ng Piyape St., Magdalena Village., New Buswang, Kalibo.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng Kalibo PNP Traffic section, nagmomotorsiklo ang biktima galing Roxas Avenue., Extension papuntang Magdalena St., Poblacion, Kalibo, subalit nawalan umano ng kontrol sa manibela pagdating sa kurbadang kalsada at bumangga sa isang pader doon.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa katawan ang biktima na kaagad ding dinala sa isang pribadong ospital.

Sinasabing may kabilisan ang pagmamaneho ng biktima rason ng nasabing aksidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *