Connect with us

Aklan News

Rider ng motorsiklo patay matrapos bumangga sa isang kotse sa Jumarap, Banga

Published

on

By

Dead on arrival ang isang motorcycle rider matapos bumangga sa kasalubong nitong kotse sa bahagi ng Jumarap, Banga, Aklan nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Genil Cataluña, 47 taong gulang ng Jaro, Iloilo City samantalang nakilala naman ang driver ng naturang kotse na si John Andrew Rentillo ng Palale, Banga.

Batay sa kuha ng CCTV footage, habang binabaybay ng naturang kotse ang kahabaan ng Jumarap, Banga ay bigla na lamang sumalpok ang naturang motorsiklo.

Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima sa kalsada.

Kaagad naman itong dinala ng ospital ngunit idineklara namang dead on arrival.

Samantala, dinala naman sa Banga PNP ang driver ng nasabing kotse para sa karampatang imbestigasyon.