Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO NABANGGA NG TRAYSIKEL, SUGATAN

Published

on

Image|Yong Tesoro dela Rosa

Kalibo – Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos mabanggga ng traysikel ala 1:45 kaninang hapon sa highway ng Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Roseny Repiedad, sa legal na edad at residente ng Linabuan, Norte, Kalibo, habang nakilala naman ang driver ng traysikel na si Juanito Macabales Jr., 31 anyos ng Guinbaliwan, New Washington.


Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, galing sa Linabuan Norte si Repiedad papuntang Poblacion, Kalibo nang bigla umanong mag-uturn ang nasabing traysikel na galing naman ng Estancia.

Resulta, nagkabanggaan ang dalawa rason na tumumba sa kalsada ang motorsiklo at ikinasugat ng biktima.

Kaagad siyang dinala sa ospital, habang dinala din sa Kalibo PNP Station ang traysikel at ang driver nito, subalit pinalaya rin pasado alas 5:00 nitong hapon sa pansamantalang pagkustodiya ng mga pulis dahil sa isang compromise agreement o kasunduan nila ng pamilya ng biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *