Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, BUMANGGA SA PADER, PATAY

Published

on

Numancia – Dead on arrival sa ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos bumangga sa pader bandang alas 7:40 kagabi sa Poblacion, Numancia.

Kinilala ng Numancia PNP ang biktimang si Wimel Dela Cruz Patenio, 20 anyos na tubong Pandan, Antique at residente ngayon ng Laguinbanwa East, Numancia.


Base sa imbestigasyon ng Numancia PNP, galing sa Badio, Numancia ang biktima at papunta sana ng Poblacion, subalit aksidente umano itong umapaw sa kurbadang kalsada doon at bumangga sa pader.

Sanhi nito, nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo at mukha ang biktima na dinala pa sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay.

Maliban sa wala umano itong suot na helmet, lumalabas din sa imbestigasyon na nasa impluwensiya ng alak ang biktima, at mabilis din ang pagpapatakbo nito ng motorsiklo nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *