Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, BUMANGGA SA KOTSE, SUGATAN

Published

on

Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng bumangga sa kotse sa bahagi ng Osmeña Avenue, Poblacion, Kalibo, Lunes ng tanghali.

Base sa report ng Kalibo PNP, papuntang Estancia, Kalibo ang babaeng rider ng motorsiklo na si Wela Joy Alejandro, 22 anyos ng Lalab, Batan nang bigla umanong nag-U- Turn ang kotse na minamaneho naman ni Gio Navarra, 25 anyos ng Paningayan, Madalag.

Resulta, aksidente itong nabangga ng motorsiklo, subali’t mapalad naman na hindi malubha ang tinamo nitong sugat sa katawan.

Ayon pa sa pulis, tumanggi namang magpadala sa ospital ang biktimang rider, habang nauwi naman sa areglo ang insidente.