Categories: Aklan News

Rider na senior citizen sugatan matapos mabundol ng isa pang motor sa Brgy. Laguinbanwa West Numancia

DUGUAN ang isang motoristang senior citizen matapos mabundol ng isa pang motorsiklo sa bahagi ng barangay Laguinbanwa West, Numacia Aklan nitong Martes.

Kinilala ang biktima na si Ely Villariña, 78, residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Numancia PNP, paalis na sana ng kanilang bahay sakay ng motorsiklo ang biktima ng mabundol ito ng isa pang motor na minamaneho ni Emman Tenedor, 27-anyos ng barangay Mantiguib sa bayan ng Makato.

Paliko na sana si Villariña sa highway na mabundol ito ni Tenedor na mula sa direksiyon ng Poblacion, Numancia at patunggong bayan ng Kalibo.

Dahil sa nangyaring aksidente, nagtamo ng sugat sa kanyang ulo si Villariña na kaagad naman isinugod sa ospital samantalang sugat naman sa paa ang tinamo ni Tenedor.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan sa nangyaring aksidente.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

20 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

2 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

2 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

6 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

6 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

6 days ago