Connect with us

Aklan News

REQUEST NG ORIENTAL ENERGY AND POWER GENERATION CORP. PARA SA REDUCTION AT CONDONATION NG KANILANG RPT, IBINASURA NG SP AKLAN

Published

on

VIDEO REPORT - APRUBADONG AIP PARA SA TAONG 2022, MALAKING BUDGET INILAAN SA COVID 19 RESPONSE AT SOCIAL SERVICES

Tinanggihan ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang request ng Oriental Energy and Power Generation Corp. (OEPGC) hingil sa reduction at condonation ng kanilang Real Property Taxes o RPT na nakasaad sa Executive Order No. 126 ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng nasabing EO ang isang power generation facility o isang Independent Power Producer (IPPs) sa ilalim ng Build-Operate-Transfer Contracts sa Government-Owned Or-Controlled Corporations ay mayroong reduction at condonation sa kanilang RPT.

Ngunit ayon kay Vice-Governor Reynaldo “Boy” Quimpo na ang naturang korporasyon ay diskwalipikado para sa nasabing exemption.

Aniya nadiskubre nila na ang kontrata ng OEPGC ay nasa ilalim ng Department of Energy (DOE) na isang regular na ahensiya ng gobyerno at hindi sa ilalim ng GOCCs.

Dahil dito ay hindi pasok ang naturang korporasyon base na rin sa isinasaad na naturang Executive Order.

Dagdag pa ng bise-gobernador, malinaw na nakasaaad sa EO 126 na ang pinapahintulutan lamang ay ang nasa Metropolitan area kung saan hindi rin angkop sa nasabing korporasyon dahil ang probinsiya ng Aklan ay hindi sakop ng sinasabing Metropolitan.

Ayon kay VG Quimpo na ang mga nabanggit na rason ang kanilang naging basehan upang sabihin na hindi sakop ang Oriental Energy and Power Generation Corp. para sa exemption na nakasaad sa EO 126 ng pangulo.

Kaugnay nito, ipinahayag ng bise-gobernador na handa silang sagutin ang anumang reklamo hinggil sa naging aksyon ng sangguniang panlalawigan ng Aklan.