Connect with us

Aklan News

REP. HARESCO SA MATAAS NA PRESYO NG SIBUYAS: “Huwag na tayong pumilit kumain ng sibuyas”

Published

on

“Huwag na tayong pumilit kumain ng sibuyas.”

Ito ang binitawang pahayag ni Aklan 2nd District Representative Congressman Teodorico Haresco Jr. kaugnay sa isyu ng labis na pagsipa ng presyo ng sibuyas sa merkado.


Todo Media Magazine

Ayon kay Haresco, kalokohan na ang presyong P700-P800/kilo na presyo ng sibuyas.

Aniya pa, kung hindi naman kailangan ay huwag na tayong kumain ng sibuyas.

“Sana kung ganun kataas ang sibuyas, huwag na tayong pumilit kumain ng sibuyas. Di ba? Kasi yung demand… eh ano ngayon kung ‘di niyo malasahan ang sibuyas. Pero yung ganun na P700-P800/kilo, kalokohan na yan. So kung ganun na hindi mo naman kailangan, huwag na tayong kumain ng sibuyas,” pahayag ni Haresco sa isinagawang press conference.

Dagdag pa nito,” Bakit tayo maghahabol sa isang bagay na napakasobra naman ang bilihin.”

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.