Connect with us

Aklan News

QUARRY SITE SA KINALANGAY NUEVO MALINAO, INIREREKLAMO; PERMIT TO OPERATE, PASO NA?

Published

on

Photo| Unsplash

Inirereklamo ng mga mamamayan ng Barangay Kinalangay Nuevo sa bayan ng Malinao ang quarry operation ni Engr. Jency Inolino na nag-o-operate pa rin kahit paso na umano ang kaniyang permit.

Base sa nakuhang impormasyon ng Radyo Todo noong Hulyo 12 ng kasalukuyang taon pa nagtapos ang permit ni Inolino.


Todo Media Magazine

Ayon sa mga mamamayan dito, matagal na umanong nag-expired ang permit ni Inolino ngunit patuloy pa rin ito sa kaniyang operasyon.

Pinabulaanan naman ito ni punong barangay Arlene Infante ng Brgy. Kinalangay Nuevo dahil ayon sa kaniya mula ng magtapos ang bisa ng permit ni Inolino ay hindi na ito muling nag-operate pa.

Kaugnay nito, lubos na nababahala ang mga mamamayan ng nasabing barangay kadahilanan na gusto nilang ma-aksyunan ito.

Ang naturang quarry site ay matatagpuan sa Kinalangay River sa bayan ng Malinao.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.