Connect with us

Aklan News

QUARANTINE/TRAVEL PASS SA AKLAN TATANGALIN NA SIMULA BUKAS MAYO 16

Published

on

Nakasaad sa Executive Order, Section 8 on quarantine pass ni Governor Joeben Miraflores na pahihintulutan na ang pagpasok sa mga bayan sa loob ng probinsya ng Aklan, simula bukas Mayo 16,2020.

Naabisuhan narin anya ang mga kapulisan na huwag nang hanapan ng quarantine pass ang mga papasok sa checkpoints.


Malaya na rin umanong gumalaw ang lahat ng aklanon.

Kaugnay nito maging ang mga babyahe ay hindi na rin hahanapan ng travel pass.

Magandang balita umano ito sa lahat ng negosyante at nagtatrabaho sa bayan ng kalibo ay hindi na mahihirapang pumasok.

Samantala patuloy pa rin ang ipinatutupad na social distancing at pagsusuot ng face mask sa tuwing lalabas ng bahay.