Connect with us

Aklan News

PULIS NA HUMABOL SA MOTORISTANG UMIWAS SA CHECK POINT, NAAKSIDENTE

Published

on

disgrasya graphics

Kalibo – Nagtamo ng minor injury sa kanyang katawan ang isang pulis matapos sumemplang ang minamanehong motorsiklo bandang alas 4:00 kahapon ng hapon sa Tigayon, Kalibo.

Nakilala ang biktimang si Police Corporal Rodgie Delos Santos, na nakatalaga sa Kalibo PNP Station, habang hindi na nadakip at nakilala ang hinabol nitong rider ng motorsiklo.


Base sa police report ng Kalibo PNP, may check point noon ang mga pulis sa Tigayon highway nang napansin umano ni Delos Santos ang nasabing rider na walang suot na helmet na nag-u-turn pabalik ng Estancia para makaiwas sa kanilang check point.

Hinabol umano ito ni Delos Santos hanggang sa interior Tigayon, subalit nawalan umano ito ng kontrol sa pagmamaneho at sumemplang.

Samantala, maliban sa minor injury, nagtamo rin ng pinsala ang motorsiklo ng nasabing pulis.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *