Connect with us

Aklan News

Pinaigting na kampanya kontra sunog, sinimulan na ng BFP

Published

on

Photo| www.reasonwhy.es image

Sinimulan na ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa unang araw ng Marso ang kanilang mas pinaigting na kampanya para sa Fire Prevention Month na taunang ginugunita sa buong bansa.

Ayon kay Si SFO2 Agusto Cadag Sr., BFP Balete Officer-in-Charge, na nakalatag na ang kanilang iskedyul sa pang araw-araw na aktibidad para sa buong buwan ng Marso.


Nagsimula ang programa na may temang “Sunog sa Barangay, Parada para sa Ligtas na Pamumuhay” sa pamamagitan ng isang motorcade.

Ibinahagi rin nito na magkakaroon sila ng house to house inspection at information drive kaugnay ng paggunita ng Fire Prevention Month.

Dagdag pa ni Cadag, bumuo sila ng CFAG o Community Fire Auxiliary Group sa ilalim ng Oplan Ligtas Pamayanan dahil karamihan aniya sa mga barangay sa Balete ay walang Volunteer Fire Brigade na makakatulong sana sa pagpapahupa ng sunog habang wala pa ang mga bombero.

Kaugnay nito, ipinaalala ni Cadag ang kahalagahan ng pagiging handa anumang oras laban sa sunog na maaaring sumira sa mga ari-arian at kumitil ng buhay.

Ang unang araw ng Marso ay simula ng Fire Prevention Month dahil ang buwan na ito ay hudyat ng pagpasok ng panahon ng tag-init, dahilan para mas lumakas ang kunsumo ng tao ng kuryente na maaaring pagmulan ng sunog.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *