Connect with us

Aklan News

PICK-UP, ‘INARARO’ ANG ISANG TINDAHAN

Published

on

Mistulang na-demolish ang isang tindahan sa highway ng Estancia, Kalibo alas 9:45 kagabi matapos umano itong ‘araruhin’ ng isang pick up.

Sa ulat ng Kalibo PNP, mula sa direksyon ng Banga patungong Kalibo ang pick up nang ma flat umano ang kaliwang gulong nito sa unahan, dahilan upang  mawalan ng kontrol ang driver at tuluyan na itong bumangga sa tindahan.


Sinasabing may kabilisan din ang takbo ng pick up kung saan mapapansin ang pagtagilid nito sa harap ng tindahan.

Masuwerte namang walang nasugatan sa nasabing insidente na nauwi na lamang sa areglo.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *