Connect with us

Aklan News

PEHM BUILDING NG ALTAVAS NAT’L SCHOOL, NASUNOG

Published

on

Nasunog dakong alas 6:00 kaninang umaga ang PEHM Building (Physical Education, Health and Music) ng Altavas National School.

Bagama’t patuloy pa ang imbestigasyon sa naging sanhi ng insidente, kinumpirma naman ni Vice Mayor Denny Refol Sr. na totally burned ang nasabing gusali.


Agad namang dumating ang BFP-Altavas at BFP-Balete upang apulahin ang apoy nang hindi na madamay pa ang ibang gusali doon.

Sa pagtaya naman ni Refol, umaabot sa P15 million pesos ang halaga ng iniwang pinsala ng nasabing sunog.

Nagsisilbi umanong venue sa mga mahahalagang aktibidad tulad ng General PTA meetings at graduation rites ang nasunog na gusali.

Wala namang napaulat na nasugatan sa insidente.

-Developing story

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *