Connect with us

Aklan News

PCCI- Aklan, nanawagan na gawing ‘accessible’ ang Kalibo sa lahat ng munisipalidad

Published

on

By

File Photo

Nanawagan ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI- AKLAN) kay Kalibo Mayor Emerson Lachica na gawing mas ‘accessible’ ang Kalibo sa lahat ng munisipalidad sa Aklan.

Sa kanilang sulat nitong Agosto 2, hiniling nila na sana’y mabigyan ng access ang lahat ng bayan sa Kalibo dahil ito ang sentro ng komersyo at kalakalan sa Aklan.

Inirekomenda nila na siguraduhing sinusunod ng mga establisyemento ang mga minimum health standards.

Hindi rin sila pabor sa lockdown dahil sa malaking epekto nito sa ekonomiya kaya mas maigi umano na mas paigtingin ang mga surgical lockdowns at magdagdag ng barangay level quarantine facilities.

“We are not in favor of any lockdown as it disrupts the economy. Nonetheless, we urge the each municipality to intensify its surgical lockdown and allocate barangay level quarantine facilities,” saad sa sulat.

Bukod dito, dapat rin umano na mag-hire ng may nasa 150 contact tracers para sa mas maaasahang datos ngayong pandemya at bumili ng 50,000 Antigen Test Kits na ipamimigay sa publiko.

“We urge our government leaders to act fast, follow through with their crisis management plans and recovery should be there by any, and extend their best to serve the public so that all our sacrifices will not be in vain.”