Categories: Aklan News

PATUTSADA NI KALIBO SB MEMBER RONALD MARTE KAUGNAY SA MGA RESOLUSYON AT ORDINANSA NA HINDI IPINATUPAD NI MAYOR LACHICA, PINABULAANAN NG ALKALDE

Mariing pinabulaanan ni Kalibo Mayor Emerson Lachica ang patutsada ni ex-officio member at Liga ng mga Barangay President Ronald Marte patungkol sa mga resolusyong ipinasa ng Sangguniang Bayan ngunit hindi niya ipanapatupad.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ng alkalde na hindi totoo ang sinasabi ni Marte na pinipili niya lamang ang mga resolusyong nais niyang ipatupad.

Ang katotohanan aniya’y lahat ng resolusyong ikabubuti para sa bayan ng Kalibo ay sinisikap niyang magkaroon ng implementasyon.

“…actually gina-implementar ta naton don para sa ikamayad para sa banwa natong Kalibo”, saad ng alkalde.

Marahil ayon kay Lachica na may mga resolusyon inihain ang sangguniang bayan na hindi niya naipatupad ngunit ito ay sa kadahilanang para sa kanya ay hindi angkop at nararapat.

Nauna na rito ay ipinahayag sa Radyo Todo ni Marte na maraming resolusyon umano ang ipinasa at aprubado ng sangguniang bayan ng Kalibo ngunit hindi lamang naipatupad dahil sa pinipili lamang ng lokal na punong ehekutibo.

Share
Sarlyn Joy Maloloy-on

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

5 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago