Connect with us

Aklan News

PARTIDO NI MAYOR LACHICA, HAHABOL NGAYONG ARAW SA PAG-FILE NG COC

Published

on

Sabay-sabay na tutungo sa Commision on Elections (COMELEC) at maghahain ng kanilang Certificate of Candidacy o COCs ang partido ni Mayor Emerson Lachica ngayong araw ng Biyernes, Oktubre 8, ang huling araw ng COC Filing para sa 2022 National and Local Elections.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Mayor Lachica na noong Miyerkules lamang, Oktubre 6, nakumpleto ang kanilang line-up.


Todo Media Magazine

Ang grupo ni Mayor Lachica ay binubuo ni dating Sangguniang Bayan member Greg Malapad, bilang kanyang running mate na tatakbo sa pagka bise-alkalde, dalawang re-electionist na sina SB Gus Tolentino at SB Matt Guzman; kasama sina dating SB member Ariel Fernandez; dating Mabilo Brgy. captain Rany de Felipe; incumbent Brgy. captain ng Andagao na si William Lachica Jr.; Engr. Ken Fegarido, konsehal ng Brgy. Poblacion, Joselito Edwin Ramos, dating PIA employee at ang kumopleto sa kanilang tiket na si Local Development Officer ng MSWDO John Marlo Salido.

Matatandaan na nauna nang naghain ng kaniyang COC si SB Tolentino noong araw ng Martes, Oktubre 5 kung saan sinuhestiyon nito sa mga kakandidato na maghain ng mas maaga at huwag ng antayin pa last day of filling.

Bago magtungo sa Comelec ngayong araw ay isang misa muna ang dadaluhan nila Lachica upang mabigyan aniya ng basbas ang paghahain nila ng COC.

Samantala, nagkaroon rin kahapon ng launching sa St. Gabriel Cover Court ang partido ni Lachica kasama ang ilang mga tagasuporta.