Connect with us

Aklan News

PAMANGKIN, SINAKSAK NG TIYUHIN

Published

on

Altavas – Sugatan ang isang lalaki matapos umanong saksakin ng mismong tiyuhin bandang alas 8:30 kagabi sa Lupo, Altavas.

Nakilala ang biktimang si Michael Patricio, 29 anyos, at ang supek na si Joel Patricio, 60 anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.


Base sa imbestigasyon ng Altavas PNP, kapwa nasa labis na kalasingan ang dalawa matapos mag-inuman sa bahay mismo ng suspek, nang mag-‘joke’ umano ang biktima sa kanyang tiyuhin.

Napikon umano ang suspek rason na sinaksak niya sa tiyan ang biktima gamit ang maliit na itak.

Kaagad namang dinala sa Altavas Hospital ang biktima, habang nasa kustodiya ng Altavas PNP ang suspek para sa karampatang disposisyon.

Samantala, sa pinakahuling impormasyon, sinabi ng Altavas PNP na hindi umano magsasampa ng kaso ang biktima sa kanyang tiyuhin, lamang na sagutin nito ang kanyang gastusin-medikal.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *