Connect with us

Aklan News

PAL, BALIK BIYAHE NA SA AKLAN SA JUNE

Published

on

Nag-anunsiyo ang Philippine Airlines (PAL) ng kanilang balik biyahe patungo at palabas ng Aklan sa darating na Hunyo.

Maliban sa Aklan, may biyahe na rin papuntang Basco, Laoag, Legazpi, Puerto Princesa, Busuanga, Bacolod, Cebu, Dumaguete, Iloilo, Caticlan, Roxas, Tacloban, Tagbilaran, Butuan, Cotabato, Cagayan de Oro, Dipolog, Davao, General Santos, Ozamiz, Pagadian at Zamboanga.


Ang flights pa Cebu at Davao ay babalik na rin umano simula June 8 ayon sa airline company.

Maliban sa mga domestic flights, bumalik na rin ang international flights ng PAL patungo sa mga piling bansa kasama ang United States, Canada, Guam, mainland China, Vietnam, Malaysia, Indonesia, Hong Kong, Taipei, Singapore, Japan, United Arab Emirates, Qatar at Saudi Arabia.

Samantala, mananatiling suspendido ang kanilang biyahe sa Auckland, Bali, Bangkok, Beijing, Brisbane, Busan, Fukuoka, Guangzhou, Hanoi, Macau, Melbourne, Phnom Penh, Perth, Port Moresby, Quanzhou (Jinjiang), Sapporo, Seoul (Incheon) at Shanghai.

Mahigit dalawang buwan ring nasuspende ang PAL flights kasunod ng mga travel ban dahil sa pangamba na dala ng Coronavirus Diseases (COVID-19).

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *