Connect with us

Aklan News

Pahinante patay sa pick-up na bumangga sa nakaparadang truck

Published

on

By

Photo: MDRRMO Ibajay

Binawian ng buhay ang isang pahinante makaraang sumalpok sa isang nakaparadang truck ang kanyang sinasakyang pick-up sa Naisud, Ibajay.

Kinilala ang biktimang si Tom dela Tonga, 31 anyos na natutulog sa front seat katabi ng driver na si Feter John Flores, 24 anyos, mangyari ang aksidente dakong alas-12:50 ng tanghali nitong Huwebes.

Batay sa imbestigasyon ng Ibajay PNP, patungo sa direksyon ng Poblacion, Ibajay ang pick-up.

Plano raw sanang mag-park ng pick-up pero biglang nag-wild ang sasakyan dahilan na bumangga ito sa kanto ng nakaparadang dump truck.

Nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.