Categories: Aklan News

Pagsasampa ng kaso laban sa security agency ni Torrefiel, pag-aaralan pa ng pamilya Ambay

Pinag-aaralan pa ng pamilya Ambay ang posibilidad na sampahan ng kaso ang security agency ni Mark Archie Torrefiel na Lion Heart Security Agency.

Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ni Bonifacio Ambay, ama ni Bonna Hercia Ambay na sa ngayon ay inuuna muna nilang asikasuhin ang burol ni Bonna, “Sa makaron daw ginauna gid namon nga maplastar lang bala ang akon bata.”

Nakadepende umano sa kanilang legal counsel na si Atty. Benjamin Candari Jr. ang desisyon sa agency na pinasukan ni Torrefiel.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Bonifacio na nagpaabot na rin ng assistance ang security agency sa kanila.

Samantala, ginanap na presscon noong Biyernes, Hunyo 10, 2022, nanindigan ang Lion Heart Agency na nag-comply si Mark Archie Torrefiel sa kanilang hinihinging mga requirements tulad ng NBI Clearance, Neuro, Drug test at Security License base na rin sa RA 5487 na dapat maipasa ng isang guard applicant bago matanggap.

Umapela rin si Lion Heart Agency na si Michael Anthony Bercadez huwag lahatin ang mga security guards dahil sa maling ginawa ni SG Torrefiel.

Kung maaalala, si Torrefiel ang sekyu na pumaslang kay Bonna Ambay na natagpuang duguan at walang buhay sa loob ng RD Pawnshop nitong Hunyo 6, 20222.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

2 days ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

3 days ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

3 days ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

1 week ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

1 week ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

1 week ago