Connect with us

Aklan News

PAGPAPATANGGAL NG DPWH SA MGA STREETLIGHTS SA KALIBO HIGHWAY, PINABULAANAN NI MAYOR LACHICA

Published

on

Photo Courtesy| Mayor Emerson Lachica FB Page

Mariing pinabulaanan ni Mayor Emerson Lachica na tuluyang pinatatanggal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga streetlights ng lokal na pamahalaan ng Kalibo sa national highway upang bigyang daan ang proyekto ng naturang ahensiya.

Ayon kay Mayor Lachica sa sulat na natanggap ng kayang opisina mula sa DPWH ang nasabing mga streetlights ay kukunin muna ng ahensya para sa gagawing drainage system at ibabalik naman ito matapos ang proyekto.

Aniya temporaryo lamang ito at ipinasiguro naman ng DPWH na sakaling may masira silang mga poste sa pagtanggal ng naturang mga streetlights ay kanila rin namang aayusin at papalitan.

Napag-alaman na umaaabot sa mahigit-kumulang P7-million pesos ang halaga ng nasabing mga streetlights para sa mga Kalibonhon.

Ang naturang pondo ay nagmula sa 2021 20 percent ng development fund ng lokal na pamahalaan ng Kalibo.

Kabilang sa mga lugar na sakop ng nasabing proyekto ay ang barangay New Buswang, Toting Reyes Street, Roxas Avenue Extension hanggang sa bahagi ng Aklan State University Campus at portion ng C. Quimpo Street.

Samantala ang nabanggit na mga lugar ay hindi sakop ng drainage project ng DPWH kaya hindi ito maapektuhan.

Target naman ng alkalde na mapailawan ang buong bayan ng Kalibo bago matapos ang kanyang unang termino.