Categories: Aklan News

Pagdinig sa Petrowind Project Phase 2, di patas – Nabaoy Defenders

Naniniwala si Dr. Rebecca Tandug Barrios, advocate for environmental protection and conservation na hindi patas ang mga naging pagdinig sa isyu kaugnay sa Nabas Petrowind Project Phase 2 sa Nabaoy.

Giit nito, ginawa na nila ang lahat ng paraan para maipaabot ang pagtutol ng mga taga Nabaoy sa proyekto pero tila hindi sila pinakikinggan.

Maging sa ginanap na Sangguniang Panlalawigan hearing nitong Martes ay binigyan lang sila ng dalawang minuto para makapagsalita.

Saad niya, “Gingamit eon naton ro diplomasya, gingamit eon naton ro proper channel it dialogue, mga hearing, mga forum, pero matsa uwa gid-a kita napamatian. Ag sa pamatyag naton hay one-sided ah. There’s impartiality in the hearing of this case.”

Aniya, kung maaari lang umanong mailipat ang ilog ay gagawin nila ito pero imposible ito kaya hiling nila na dapat na i-relocate ang tatlong natitirang turbina ng Petrowind malayo sa Nabaoy watershed.

“Indi pwede nga ro Malay ag Nabaoy ta ro ma-adjust sa turbina, ro turbina ta kunta ro gaiswag,” dagdag nito.

Matatandaang, inaprubahan na sa 7th Regular Session ng SB Malay nitong February 22, 2024 ang CSR ng Petrowind.

Dahil dito, kinuwestiyon ng Nabaoy Environmental Defenders ang dahilan kung bakit pabor ang mayoriya ng Malay Sangguniang Bayan members sa pag re-endorse ng Phase 2.

Kasama sa mga pumabor sa Phase 2 sina, Vice Mayor Niño Cawaling, Liga VPres Mannie Casidsid, SB Datu Sumndad, SB Dante Pagsuguiron at SB Lloyd Maming.

Kabilang naman sa mga nag “No” sina SB Vicky Aguirre, SB Natnat Paderes, SB Alan Palma at SK Pres Sheila Sacapaño, samantala, nag abstain si SB Junthir Flores at absent si SB Apio Casidsid.

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

9 hours ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

9 hours ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

9 hours ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

3 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

5 days ago