Connect with us

Aklan News

“OWA MAT-ANG GA-EXPECT NGA OBRAHON NA RON SANG ASAWA” -Ginang Dominga Gregorio, asawa ng biktimang nabaril sa Bigaa,Malinao

Published

on

By

Hindi inaasahan ni Ginang Dominga Gregorio na magagawang barilin ng suspek na si Ronie Naig ang kanyang asawang si Jimmy Gregorio.

Aniya, palagi namang magkainuman ang kanyang asawa at ang suspek.

Bago pa aniya ang insidente, inimbitahan pa ng suspek ang kanyang asawa na mag-inuman.

Samantala, habang nag-iinuman ang dalawa, may namagitan aniyang mainitang diskusyon sa kanila.

Narinig naman ito ng kanyang anak na si John Lester Gregorio kung kaya’t sinundo niya ang kanyang ama at iniuwi sa kanilang bahay.

Subalit, lingid sa kaalaman ng mag-ama, sinundan pala sila ng suspek na si Naig at dalawang beses silang binaril.

Dahil dito, tinamaan ang biktimang si Jimmy na tumagos sa kanyang katawan na siyang tumama naman aa anak nitong si John Lester.

Saad pa ng Ginang, naabutan na lamang niya na nakahandusay ang kanyang asawa gayundin ang kanyang anak na may umaagos na dugo.

Pahayag pa ng ginang, kaagad dinala sa ospital ang kanyang asawa at anak subalit idineklarang dead-on-arrival si Jimmy habang masuwerteng nakaligtas si John Lester at nagpapagaling sa ngayon.