Connect with us

Aklan News

OPISINA NG MKWD, PANSAMANTALANG ISASARA MATAPOS MAG POSITIBO SA COVID 19 ANG ASAWA NG ISA SA KANILANG EMPLEYADA

Published

on

Kalibo – Pansamantala munang isasara ang buong ground floor ng Metro Kalibo Water District (MKWD) simula bukas July 17, 2020.

Ito ang kinumpirma sa exclusive interview ng Radyo Todo kay Atty. Ariel Gepty, MKWD Chairman of the Board.


Ayon kay Atty. Gepty, ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang asawang seaman ng isang empleyada na nakatalaga sa billing section ng tanggapan.

Salaysay ni Gepty, pumunta ng Iloilo City ang seaman bandang katapusan ng Mayo at nagtagal doon ng isang linggo, umuwi sa Aklan at namalagi ng halos isang buwan.

July 10, pumunta ng Manila sakay ng roro vessel. Kinabukasan nagpa RT-PCR test ito dahil kailangan para sa kanyang pagsampa uli sa barko subalit lumabas ang resulta kahapon na positibo ito sa COVID 19.

Agad umano nitong tinawagan ang kanyang misis para ipaalam ang resulta dahilan upang magpaalam na rin ang empleyada na hindi muna makakapasok sa opisina ngayong araw.

Agad din umanong nag coordinate sila Gepty kay Dr. Cornelio Cuachon at pinayuhan sila na i- swab test ang lahat ng nakasalamuha nito sa opisina pati na ang empleyada bukas.

At bilang precautionary measures ayon kay Gepty hindi na muna sila tatanggap ng magbabayad o mag a-apply ng water connection. Samantala limitado na rin ang transactions sa ibang departamento.

Isasailalim rin sa mandatory 14- day quarantine ang lahat ng mga empleyado na nakatalaga sa ground floor.

Magbabalik umano ang kanilang operasyon sa oras na may clearance na mula sa PHO.

Humihingi rin sila ng paumanhin at pang unawa sa kanilang mga kunsomidor dahil sa pangyayari.

Pwede naman umanong magbayad ang mga concessionaires sa kanilang paying stations sa Palawan Pawnshop at City Mall.

Program/Beat: Anchorman of Todo Latigo program, 5am to 7:30am, Mon to Sat. Years/background in Media works: 22 years member of the Aklan Media.Why chose this profession: It's a calling. It's my passion.Principle in life: Your success is directly proportional to the number of lives you have touched for the better.

Continue Reading
Advertisement

2 Comments

2 Comments

  1. Nulf Ozerc

    July 17, 2020 at 8:42 am

    Di po ba ang mga palatandaan . .
    👉ng mga TOTOO o nagiging . . .
    (inuulit . .”TOTOO” na talagang ospital o sementeryo ang magiging tungo mo❗) . . .
    😷SYMPTOMATIC nga na positive sa COVID‼
    🤒masakit lalamunan, ubo2x, lagnat, masakit katawan, nawalan pang-amoy/panlasa, hirap huminga (mild or critical)

    Kaya’t kailangang maghintay ng 🤪5 hanggang 14 na araw🤔 ang mga “asymptomatic positives” sa COVID Testings na yan . . .

    👉 para malaman at matiyak pa rin nila kung talagang. .

    🔴tuluyan na nagkaroon nga sila ng lahat ng mga symptomas ng “totoong” nagka-COVID, o

    🔴tuluyang nawala na o natanggal na nga sa kanila ang lahat ng mga palatandaan o symptomas
    🌞 na iyon ng mga “totoong” nag COVID positives‼

  2. Nulf Ozerc

    July 17, 2020 at 8:48 am

    Thank you

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *