Connect with us

Aklan News

OPERASYON NG MGA BUSINESS ESTABLISHMENTS, MAS PINAHABA NG HANGGANG ALAS-7 NG GABI

Published

on

By

Mas pinahaba na ng hanggang alas-7:00 ng gabi ang operating hours ng mga business establishments sa mainland Aklan.

Batay sa bagong labas na Executive Order No. 022 Series of 2021 ni Aklan Governor Florencio Miraflores, lahat ng mga business establishments na pinapayagang mag-operate ay maaaring magbukas mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.


Todo Media Magazine

Pero hindi sakop dito ang mga ospital, pribado man o pampublliko, mga botika, health emergency at frontline services gaya ng mga dialysis centers, chemotherapy centers, HMOs, health insurance providers, disaster risk and reduction management offices at mga public safety officers.

Kabilang din dito ang mga media establishments, punerarya at mga security personel na lisensyado ng PNP-Supervisory Office para sa Security and Investigation Agencies.

Samantala, mas mahaba din ng tatlong oras ang operating hours ng mga establisyemento sa Boracay dahil maaari silang magbukas ng hanggang alas-10.