Connect with us

Aklan News

ONLINE SABONG SA MAKATO, NAIS IPASARA NG SANGGUNIANG BAYAN DAHIL SA KAWALAN NG PERMIT

Published

on

By

Nais ipasara ng Sangguniang Bayan ng Makato ang operasyon ng online sabong sa nasabing bayan dahil sa kawalan ng kaukulang permit.

Inaprubahan ng Makato Sangguniang Bayan ang Resolution No. 2021-253 ni SB member Nilo Amboboyog na humihiling kay Mayor Abencio Torres na pansamantalang isara ang online sabong na inooperate ng Island Ventures Gaming Corporation.

Nag-ugat ang nasabing hakbang ng Makato Sangguniang Bayan sa reklamo ni Poblacion Punong Barangay at ABC President Bobby Cylde Legaspi na nag-o-operate ang nasabing sabungan na walang barangay clearance at business permit mula sa lokal na pamahalaan.

Subalit tanging Mayor’s Permit lang mula kay Mayor Abencio Torres ang dokumentong pinanghahawakan ng mga operator ng nasabing sabungan.

Sa kabilang banda, sinubukan ng Radyo Todo na kunan ng pahayag si Mayor Torres ukol dito pero tumanggi itong magpaunlak ng panayam at sinabing magpunta na lamang sa ahensiyang kinauukulan ang mga nais magreklamo laban sa kanya at sa operasyon ng nasabing sabungan.