Categories: Aklan News

‘NO VAXX, NO PAYOUT’ SA MGA SENIOR CITIZENS NA MAY SOCIAL PENSION, ‘DI IPINAPATUPAD

Nilinaw ni Senior Citizen Federation President Popoy Melgarejo ng Poblacion, Kalibo na hindi pinipilit ang mga senior citizens na magpabakuna kontra COVID-19.

Taliwas ito sa mga kumakalat na balita na hindi makakapag-payout ng social pension ang mga senior citizen na hindi bakunado kontra COVID-19.

Sa kanilang pulong noong December 14, hindi aniya nabanggit ang tungkol sa pagpapatupad ng “No vaccine, No payout” sa mga senior citizen na pensionado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Wala rin daw siyang hawak na memorandum patungkol sa nabanggit na kautusan at kung mayroon man, siya mismo ang magtatanggol sa mga kapwa senior citizens para makatanggap sila ng pension.

Paliwanag ni Melgarejo, katiting lang ang natatanggap ng mga matatanda at alinsunod ito sa RA 9994 o Expanded Senior Citizens Act na naglalayong bigyan ng P500 ang mga indigent senior citizen na kwalipikado sa social pension ng DSWD.

“Ako mismo makipagsukoe kanda, kung anda ron nga iimplementar dahil inyo tang deretso ron nga makabaton kamo it inyo nga social pension, sangkiri malang ngani dun tapos indi pa nanda pagtaw-an,” saad ni Melgarejo sa panayam ng Radyo Todo. RT/MAS

Share
TMS

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

33 mins ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago