Connect with us

Aklan News

NEGOSYANTENG BINARIL NG HOLDAPER, LIGTAS NA

Published

on

Ligtas na sa panganib ang isang negosyante sa Kalibo matapos barilin ng isang holdaper dakong alas 7:40 kagabi sa Brgy. Estancia.

Nakilala ang biktimang si Eduard Alvarez, 50 anyos ng nasabing lugar.


Ayon kay Joy Alvarez na pamangkin ng biktima, kailangan maoperahan ng kanyang tiyuhin dahil sa tinamo nitong tama ng baril sa braso at daplis sa tiyan.

Kwento ni Alvarez, nasa loob ng tindahan ang kanyang tiyuhin at nag-aayos ng upuan nang biglang pumasok ang di kilalang suspek may suot na itim na face mask.

Nagdeklara ito ng holdap saka pinadapa ang biktima at binaril.

Kaagad rin na tumakas ang suspek na napag-alamang may kasama pa sa labas na posibleng nagsisilbing look-out at sumakay sa motorsiklo papunta sa direksyon ng Banga.

Kaagad dinala sa pribadong ospital ang biktima kung saan siya ginagamot ngayon, habang nagpapatuloy pa ang imbistigasyon ng Kalibo PNP sa insidente.

Wala naman umano silang natangay na gamit o pera mula sa biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *