Connect with us

Aklan News

NATAGPUANG PATAY NA TRANSGENDER SA BORACAY, POSITIBO SA RAPID ANTIGEN TEST

Published

on

By

Nagpositibo sa Rapid Antigen test ng COVID-19 ang isang transgender na natagpuang patay sa loob ng isang apartelle sa isla ng Boracay.
Batay sa ulat ng Malay PNP, mag-aalas-2:00, hapon ng Martes nang makatanggap sila ng tawag na mayroong natagpuang patay sa isang apartelle sa Station 3, Manocmanoc, Boracay.
Kaagad nagsagawa ng imbestigasyon ang kapulisan at nadatnan sa room 11 ng apartelle ang biktimang nakahandusay sa sahig.
Dahil dito, kaagad na nag-abiso ang Malay Municipal Health Office (MHO) na mag-quarantine ang mga kasamahan ng biktima na close contacts nito.
Samantala, kinakailangan din na isailalim ang biktima sa confirmatory test na Reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) para malaman kung ito nga ay nagpositibo sa COVID-19.
Nabatid na ang biktima ay tubong Brgy. Manggahan, Camarin, Caloocan City at pansamantala lamang na tumutuloy sa apartelle.