Connect with us

Aklan News

NANAY NG NAARESTONG SUSPEK SA PAGPATAY SA TRIKE DRIVER, NANINDIGANG INOSENTE ANG ANAK

Published

on

By

Nananawagan ang nanay ng naarestong suspek sa pagpatay sa traysikel driver sa Numancia na sana ay mahuli na ang 2 nitong kasamahan na sina Jomar Palacios at Rogie Franco na responsable sa pananaksak sa biktima.

Sa panayam ng Radyo Todo, nanindigan si Lucy Montallana na inosente ang kanyang anak na si Jr Montallana at nadamay lang ito sa krimen na ginawa ng dalawa nitong kasama.


Todo Media Magazine

Aniya, may deperensya sa pag-iisip ang kanyang anak at sumunod lang ito sa dalawang suspek sa pag-aakalang kukuha lang sila ng kalabasa na ibebenta noong gabing nangyari ang krimen.

Ayon pa sa ina, handa silang makipagtulungan at tumayong testigo laban sa mga itinuturong suspek sa krimen.

Matatandaan na nasawi ang traysikel drayber na si Wilfredo Tamayo Jr., 39 anyos, na tubong Brgy. Manggan, Banga matapos tadtarin ng saksak at iwan na duguan sa kalsada nitong Sabado ng gabi sa Brgy. Camanci Norte, Numancia.

Pinaghahanap pa rin ngayon ng mga kapulisan ang dalawang suspek na tubong Dueñas, Iloilo na sumaksak sa biktima.