Connect with us

Aklan News

Nanay confined sa ospital matapos masapul ng salamin sa noo dahil sa away ng mga anak

Published

on

By

Kinailangang dalhin sa ospital ang isang ina matapos masapul ng salamin sa noo dahil sa away ng kanyang mga anak.

Kasalukuyang nasa Aklan Provincial Hospital ang 54 anyos na nanay na residente ng Tinigaw, Kalibo.

Batay sa ulat, nag-away kagabi ang kanyang dalawang anak na lalaki at babae.

Nagkainitan ang mga ito hanggang sa kumuha ng salamin ang nakababatang kapatid na lalaki para ibato sa kanyang ate.

Pero nabasag ang salamin nang masapul nito ang kanyang ina sa noo.

Nagtamo ng sugat ang ina kaya ito dinala sa pagamutan.