Connect with us

Aklan News

Naaagnas na bangkay ng isang babae, natagpuan sa isang sapa

Published

on

By

NAAAGNAG na nang matagpuan ang bangkay ng isang babae sa isang sapa sa Sitio Mangga, Brgy. Torralba, Banga, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Rochell Ann Rodriguez, 19-anyos, residente ng Sitio Bonghoe ng naturang barangay.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo, araw ng Biyernes nang magpaalam ang biktima na pupunta sa isang lamay.

Ngunit hindi na ito naka-uwi pa at natagpuan na lamang ng isang residente sa nasabing sapa kung saan nasa state of decomposition na.

Kaagad itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad kung saan nagpapatuloy pa hanggang sa ngayon ang imbestigasyon ng Banga PNP at SOCO Aklan sa nangyaring insidente.

Samantala, nagpahayag ang pamilya ng biktima na isasailalim nila ang bangkay nito sa autopsy examination upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito at malaman kung may nangyari nga bang foul play.