Categories: Aklan News

MOTORSITA, NAHULIHAN NG BARIL SA CHECK POINT

Kalibo – Nahulihan ng baril ang isang motorista bandang alas 9:00 nitong umaga sa highway ng Tigayon, Kalibo.

Bagama’t hindi na muna pinangalanan, kinumpirma naman ni PMajor Belshazzar Villanoche, OIC ng Kalibo PNP na ihahabol nila ngayong umaga ang kasong Illegal Possession of Firearm na isasampa sa nasabing motorista.

Ayon pa kay Villanoche, nagsasagawa ng check point ang mga personnel ng Kalibo PNP sa lugar nang dumaan at parahan ang suspek.

Hinanapan umano ito ng kanyang lisensiya, subalit napansin umano ng pulis ang isang magazine ng baril sa sling bag ng suspek.

Kaagad siyang dinala sa Kalibo PNP station at inimbistigahan lalo pa’t narekober din sa kanyang sling bag ang isang 9mm caliber pistol na napag-alamang pagmamay-ari pala ng retiradong pulis, na napaulat umanong ninakaw.

Kaugnay nito, pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station ang suspek para sa karampatang disposisyon.

Share
Malbert Dalida

Recent Posts

  • Aklan News

Karpintero nakuhaan ng bulto ng shabu at granada sa Balete

Isang bulto ng shabu at granada ang nakuha ng mga awtoridad mula sa isang karpintero…

7 hours ago
  • Aklan News

Tricycle bumangga sa nag-u-turn na SUV

NABANGGA ng traysikel ang isang suv sa bahagi ng Capitol Site, Osmena Avenue, Kalibo ngayong…

1 day ago
  • Aklan News

Pampasaherong bus, bumangga sa poste at inararo ang 2 nakaparadang sasakyan sa gilid ng kalsada

BUMANGGA sa poste at inararo ng isang pampasaherong bus ang nakaparadang truck at L300 Van…

1 day ago
  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

5 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

5 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

5 days ago