Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLONG BIGLANG TUMAWID NG KALSADA, NASAPOL NG TRUCK, DRIVER SUGATAN

Published

on

Sugatan at confined ngayon sa ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos aksidenteng mabangga ng truck alas 8:30 nitong gabi sa highway ng Laguinbanwa East, Numancia.

Nakilala ang biktimang si Nomer Olog, 30 anyos ng Bubog, Numancia, habang nakilala naman ng driver ng nakabanggang truck na si Edward Tabaquirao, 40 anyos ng San Roque, Jaro, Iloilo.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulis, galing umano sa direksyon ng Mobo, ang nagmomotorsiklong si Olog, nang bigla umano itong tumawid sa highway papuntang Bubog, Numancia.

Base pa sa imbestigasyon, dere-deretso umano ang takbo ng biktima kung kaya’t aksidente itong nabangga ng parating na truck na papunta naman ng Kalibo.

Resulta, sumemplang ang motorsiklo sa kalsada na siya ring ikinasugat sa ulo at katawan ng biktima.

Kaagad siyang dinala sa ospital ng MDRRMO Numancia, habang ikinostodiya pansamantala sa Numancia PNP Station ang driver ng truck para sa karampatang disposisyon.

Kaugnay pa nito, lumalabas pa sa imbestigayon na nangangamoy-alak ang biktima nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *