Categories: Aklan News

Motorsiklo sumalpok sa traysikel, driver patay!

Patay ang driver ng motorsiklo matapos aksidenteng sumalpok sa traysikel dakong alas 9:40 kagabi sa Brgy. Buenaswerte, Nabas.

Nakilala ang biktimang si Kenneth Estimado, 33 anyos ng nasabing lugar.

Base sa paunang imbestigasyon ng Nabas PNP, habang sakay ng minamanehong motorsiklo ang biktima galing sa Nagustan papuntang Poblacion, Nabas, aksidente itong sumalpok sa likod ng  traysikel na minamaneho ni Marlon Rubite, 27 anyos ng Gibon, Nabas.

Sa lakas ng pagkakasalpok, pumasok sa likuran ng traysikel ang katawan ng biktima dahilan ng malubha nitong sugat sa ulo at paa.

Kaagad namang isinugod sa Ibajay District Hospital ang biktima pero binawian rin ito ng buhay mga dakong alas 11:00 kagabi habang ginagamot sa nasabing hospital.

Pansamantala namang nasa kustodiya ng Nabas PNP ang driver ng traysikel para sa karampatang disposisyon.

Share
Reynald Bandiola

Program/Beat: Reporter/Boracay Years/background in Media works: 10 years Why chose this profession: Passion Principle in life: “Do what You Love...

Recent Posts

  • Aklan News

5 bayan sa Aklan, upgraded na sa pink zone status ng ASF

Nasa pink zone status na ng ASF o African Swine Fever ang limang munisipalidad sa…

2 days ago
  • Aklan News

Kusinero sa fiesta nahulihan ng drug paraphernalia sa checkpoint sa Brgy. Bay-ang, Batan

NAKUHAAN ng mga drug paraphernalia ang isang kusinero sa checkpoint ng kapulisan sa bahagi ng…

2 days ago
  • Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang…

2 days ago
  • Aklan News

1.5 hektaryang lupain, nilamon ng grassfire sa Cupang, Banga

SUMILKAB ang malawak na grassfire nitong Huwebes sa bahagi ng Cupang, Banga. Pasado alas-11:16 ng…

5 days ago
  • Aklan News

Mag-amang SLI tiklo sa drug buy bust ops sa Kalibo

Timbog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang mag-amang tulak ng iligal…

1 week ago