Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO NAHAGIP NG TRAK, DRAYBER PATAY

Published

on

Tangalan – Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang rider ng motorsiklo matapos mahagip ng truck bandang alas 7:00 kaninang umaga sa highway ng Tondog, Tangalan.

Nakilala ang biktimang si Charlito Talidong, 53 anyos ng Baybay, Tangalan, habang nasa kustodiya ngayon ng Tangalan PNP ang driver ng truck na si Nasario Leyte Jr., 54 anyos ng Bacolod City, Negros Occidental.


Todo Media Magazine

Base sa imbestigasyon ng pulis, galing sa Baybay, Tangalan papuntang Makato ang nagmomotorsiklong biktima nang mahagip ng truck na papunta rin sa nasabing direksyon.

Resulta, sumemplang sa kalsada ang motorsiklo na ikinasugat ng biktima sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Kaagad siyang dinala ng mga taga MDRRMO Tangalan sa ospital habang iniinda nito ang sakit ng tiyan at likod, subalit binawian ito ng buhay kinalaunan.

Samantala, kinumpirma naman ng Tangalan PNP na nauwi sa areglo ang nangyaring insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *