Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, NAAKSIDENTE DAHIL SA TUMAWID NA ASO, 2 SUGATAN

Published

on

Kalibo – Dahil sa tumawid na aso, naaksidente ang motorsiklo alas 11:25 kagabi sa New Buswang, Kalibo na ikinasugat ng dalawang biktima.

Nakilala ang mga biktimang sina Jomar Cawaling, 24 anyos ng Purok 4 C. Laserna St., Poblacion, Kalibo, at Rolly Dela Rosa, 23 anyos ng Laguinbanwa West, Numancia.


Base sa report ng Kalibo PNP, sakay ng motorsiklong minamaneho ni Jayson Castro ang dalawa papunta sana ng Poblacion, Kalibo nang mawalan umano ng balanse dahil sa biglang pagtawid ng aso sa kalsada.

Resulta, sumemplang sila sa kalsada rason ng tinamong sugat sa katawan ng mga biktima, maliban sa nasabing driver.

Kaagad silang ginamot ng mga taga MDRRMO, subalit tumanggi naman silang dalhin pa sa ospital, at minarapat na lamang na ihatid ng mga pulis sa kani-kanilang bahay.

Kasunod nito, haharapin parin nila ang kanilang citation ticket dahil sa paglabag nila sa curfew at hindi pagsuot ng face mask, pagbalik nila ngayong araw para kunin ang kanilang motorsiklong ikinustodiya kagabi ng Kalibo PNP.

Nabatid na pawang nasa impluwensiya ng alak ang mga biktima, maging ang driver ng motorsiklo.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *