Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLONG MINAMANEHO NG LASING, NAAKSIDENTE,  RIDER AT 2 BATANG ANGKAS, SUGATAN

Published

on

Kasalukuyan pang ginagamot sa ospital ang rider ng motorsiklo at ang batang lalaking angkas nito, matapos maaksidente mag-aalas 4:00 ng Sabado ng hapon sa Highway ng Aranas, Balete.

Nakilala ang biktimang driver na si Rene Bartolome, nasa legal na edad, habang kapwa 8-taong gulang ang mga angkas nitong babae at lalaki na kapwa rin nasugatan.


Todo Media Magazine

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, galing sa Lalab, Batan ang tatlo papuntang Balete.

Nawalan umano ng kontrol sa minamanehong motorsiklo si Bartolome pagdating sa kurbada at dumausdos. Dahil dito, nagtamo ng pinsala sa katawan ang mga biktima.

Mapalad naman umanong hindi natusok ng bakal sa putol na bahagi ng kalsada ang ulo ni Bartolome, na naabutan pa ng mga pulis na nakahandusay.

Kaagad naman silang dinala sa ospital, habang nabatid na hindi naman umano malubha ang mga sugat sa paa at kamay ng batang babaeng biktima.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.