Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, BUMANGGA SA SIGNAGE NG GINAGAWANG KALSADA, RIDER SUGATAN

Published

on

Sugatan ang isang rider ng motorsiklo matapos umanong bumangga sa signage ng ginagawang kalsada alas 9:00 kagabi sa highway ng Aquino, Ibajay.

Nakilala ang biktimang si Chausen Cahilig Bugoy, 30 anyos ng Sta.Ana, Pandan, Antique.


Todo Media Magazine

Base sa imbestigasyon ng pulis, nagmomotorsiklo pauwi galing sa Aslum, Ibajay ang biktima nang aksidente umano nitong nabangga ang signage doon.

Resulta, tumilapon ng ilang metro ang biktima mula sa minanehong motorsiklo, rason naman ng mga pinsala sa katawan.

Kaagad naman siyang dinala ng mga rescuer sa Ibajay Hospital, at inilipat kinalaunan sa isang ospital sa Kalibo.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na nasa impluwensiya ng alak ang biktima nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.