Connect with us

Aklan News

Motorsiklo bumangga sa poste, driver patay

Published

on

By

PHOTO: Genly Zab/Facebook

Patay ang isang motorcycle rider matapos bumangga ang kanyang minamanehong motorsiklo alas 8:30 kagabi sa Cabugao, Batan, Aklan.

Kinilala ang biktimang si Jeryl Nicolas, 24 anyos ng Cabugao, Altavas.

Ayon sa imbestigasyon ng Batan PNP, galing sa kanilang bahay si Nicolas at papunta sana itong Sitio Himbis, Batan ngunit pagdating sa lugar ay bumangga ang kanyang motorsiklo sa poste at tumilapon ito.

Nagtamo ng sugat sa ulo at pisngi ang biktima.

Dahil sa madilim ang lugar mahigit isang oras pa ang nakalipas bago nakita ng ilang residente sa lugar.

Agad itong dinala sa Altavas District Hospital pero hindi na ito umabot ng buhay.