Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO, BUMANGGA SA PADER, RIDER PATAY

Published

on

Altavas – Patay ang isang lalaking rider matapos aksidenteng bumangga sa pader ang minamanehong motorsiklo bandang alas 5:00 kaninang hapon sa highway ng Odiong, Altavas.

Nakilala ang biktimang si Reynaldo Amador, 49 anyos ng Poblacion, Batan.


Todo Media Magazine

Base sa inisyal na imbistigasyon ng Altavas PNP, nagmomotorsiklo ang biktima papunta sa direksyon ng Altavas nang mawalan umano ito ng kontrol sa pagmamaneho at bumangga sa pader.

Resulta, nagtamo ng sugat at pinsala sa katawan ang biktima matapos sumemplang ang minamanehong motorsiklo.

Kaagad siyang dinala sa Altavas Hospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Lumalabas pa sa imbistigasyon na nasa impluwensiya umano ng alak ang biktima nang mangyari ang aksidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.