Connect with us

Aklan News

MOTORSIKLO BINANGGA ANG TOPDOWN, 2 SUGATAN

Published

on

Balete – Dalawa ang sugatan matapos aksidenteng mabangga ng motorsiklo ang isang topdown alas 9:40 kagabi sa Sitio Bangbang, Calizo, Balete.

Nakilala ang mga biktimang sina Antonio Bacarro, 33 anyos, at Sonny Cea, 27 anyos, pawang residente ng Jumarap, Banga.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng Balete PNP, galing sa Batan sina Bacarro at Cea, at dalawa pa nilang hindi na pinangalanang kasama nang maubusan umano sila ng gasolina.

Itinulak umano nila ang topdown pauwi, subalit aksidente namang nabangga ng nagmomotorsiklong si Gero Tolentino, 27 anyos ng Calizo, Balete.

Resulta, nagtamo ng pinsala sa katawan ang dalawang nabanggit na biktima, na kaagad ding dinala sa ospital kung saan naka confine si Cea.

Samantala, muli pa umanong maghaharap sa Balete PNP Station ang magkabilang panig para isa pinal ang kanilang pag-aareglo kaugnay ng nasabing insidente.

Program/Beat: Todo Balita Noontime Edition/Palautwasan mo Years/background in Media works: 4 years Why chose this profession: It's simply because my heart told me so. Principle in life: A dream without action is a wish.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *