Connect with us

Aklan News

MOTORISTANG NAAKSIDENTE, NAHULIHAN NG BARIL

Published

on

Makato – Nahulihan ng baril ang isang motorista alas 8:30 kagabi sa may bypass road sa Pob. Makato kung saan nagsagawa ng checkpoint ang mga pulis.

Kinilala ang suspek na si Ivie Batoy alyas “Ampoy”, 28 anyos at residente mg So. Centro, Brgy. Panayakan, Tangalan.


Ayon sa Makato PNP, bago pa man nito mga alas 7:30 kagabi nag imporma sa kanila ang isang myembro ng BIN ng brgy. Poblacion, Makato na may isang alyas “ampoy” na nakasakay sa isang motorsiklo mula Lezo papuntang Makato na armado ng baril.

Agad umano silang nagsagawa ng checkpoint at doon nahuli ang suspek matapos na maaksidente sa minamaneho nitong motor. Sa pagresponde ng mga pulis, nakuha sa suspek ang baril nito na nakasukbit sa beywang.

Wala umano ito naipakitang dokumento sa dalang baril si Batoy dahilan upang arestuhin ito ng mga otoridad.

Narekober kay Batoy ang isang kalibre 357 magnum revolver at 3 bala ng kalibre 357.

Nasa kustodiya ngayon ng Makato MPS ang suspek at ang kanyang motorsiklo at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal possession of firearms and ammunition.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *